Kanina..
Naglalakad ako sa SM North Edsa, Mga bandang Alauna y media. Nagbibilang ako ng Barya hanggang sa nalaglag yung piso.
Gumulong ito ng gumulong sa paanan ng isang lalaki..
Nilimot nya yung piso sa paanan nya..
Inangat ko ang ulo ko simula ulo hanggang paa..
Sumalubong sa akin ang nakangiti niyang mukha :)
habang inaabot sa akin ang PISO.
Nakagray sya. Maputi, Mapula ang Labi, Matangos ang Ilong at Maamo ang mga Mata. Oo GWAPO SYA.
Sa ilang segundo nakatulala lang ako habang nakatitig sa kanya
Totoo pala yung nababasa ko. Mapapatulala tapos wala kang ibang naririnig o nakikita kundi sya lang. Namesmerized ako kanina sa kanya sobra.
Kung Sinu ka mang nilalang ka. Salamat Naexperience ko din yung binabasa ko lang sa Libro :)
Angel ka ata na ipinadala para mapaganda ang araw ng isang katulad ko. :)
Napacokefloat tuloy ako sa Saya :) sayang lang paglingon ko e WALA KA NA.

